"She cannot set her foot in this house! Take the kids from her and tell her to go!" then he shuts the door of his room closed. Hindi pa rin bumababa ang galit niya dahil sa pagtatago sa kanya na nasa Pilipinas si Cameron. Ang masama pa, sa loob ng isang linggo na wala siya ay ito ang kasama ng mga bata! Kaya kahit hindi pa tapos ang convention na pinuntahan niya ay agad siyang umuwi. Nagpaalam na lang siya sa coordinator at sinabihan naman siyang ipadadala sa kanya ang certificate na dapat ay makukuha nila sa huling araw ng convention. Nagulat ang mga magulang nang komprontahin niya ang mga ito at pilit na inalam ang number ni Cameron. Pinagbawalan din niya ang mga ito na abisuhan si Cameron na nasa Maynila na siya. "Erica Louise!" bungad niya sa kaibigan. "Where are you right n

