Maaga kami gumising dahil kailangan namin na maaga mag-ready for my monthly check-up. Kahit na hirap na hirap akong bumangon at kumilos dahil kahit pa na ayoko wala akong choice but I need to get up to ready. Naiinis na nga si mama kanina sa akin. Gigil na gigil na siya to the point na parang gusto na niyang itaob ang kama na hinihigaan ko. “Ano hindi ka pa ba babangon d’yan kasi kung hindi pa bubuhusan kita ng tubig!” Pananakot na sabi ni mama sa akin. Nanatili akong tahimik at hindi kumikilos sa pagkakahiga. “CHESKA!” sigaw ni mama. Kamot ako sa ulo ko bumangon nakasimangot. Panira ng tulog late na ako nakatulog ng maayos kanina. “Binilinan na kita na matulog agad dahil may check up ka ngayon,” nagsisimula na si mama na mag-rant. “Kaya ngayon hirap mong gisingin!” reklamo ni mam

