Sa first night namin ni Madison sa bahay— inayos namin ‘yon sala para lagyan ng higaan dahil nahihirapan ako umakyat at pagbaba sa kwarto papunta sa banyo ang layo pa tapos hindi ko agad maririnig si Madi kung nagising na. Mas naging emotional ako, feeling na ayoko siyang hawakan. “Cheska anong nangyayari sayo?” tanong ni Mama sa akin. Can’t explain what is happening to me, right at this moment. “Anak tumigil ka dahil baka magising ang anak mo,” paalala niya sa akin. “Nandito lang kami ng Papa mo.” Mama is trying to comfort me. Paano ako hihinto sa pag-iyak. I felt like I needed to cry. Hindi na nagsalita ang Mama. Lumapit siya sa akin at niyakap lang ako. “Kaya mo ‘yan anak, hindi biro ang maging isang ina pero naniniwala ako na kaya mo syempre anak kita kaya alam kong kaya mo

