Late na sila umakyat— ng mga kaibigan dahil tinapos na muna nila ang kanilang inuman sesh bago umakyat sa room ni Cheska at naglatag ng higaan. Maglalagay pa sila ng sapin para may matulugan sila sa kwarto ni Cheska. Lahat ata ng alak ay inubos hanggang sa may nakikita pa hindi tinigilan. Kahit na siksikan sila dahil hindi ganun kalaki ang kwarto na mayroon si Cheska pero masaya pa rin sila na nagsisiksikan sanay na sanay na sila sa pwesto na ganun na halos magkapalitan na ng mukha. Antok na antok na rin si Cheska dahil sa pagod na rin kaya agad siyang nakatulog. Kinaumagahan pag-gising ni Cheska bumaba na agad siya para tumulong sa ina na maghanda ng pagkain pero bago pa siya makapasok sa loob ng kusina ay nandoon na ang mga tita niya na kausap ang ina habang nag-aasikaso ng mga reka

