Kinabukasan maaga akong nagising bumaba agad ako kasi nakaramdam ako ng pag rebolusyon ng aking sikmura naabutan ko na naghahanda na ang papa ng almusal sa kusina loob ng kusina. Pumailanlang pa ang sunday tito vibe songs. Nagtataka ako bakit si papa ang nag-prepare ng breakfast namin. Nasaan ang mama ko? Masyado pang maaga pero wala na agad siya ng ganitong oras. “Wag ka na magtanong namili ng mga lulutuin para bukas sa celebration ng graduation mo,” sagot ni papa sa akin. “Cheska! Ano bang itsura ‘yan?” tanong pa ng papa sa akin. “Masakit ang balakang ko tsaka inaantok pa ako papa,” rekalmo ko kay papa. “Pati mga talampakan ko ay masakit na rin.” dagdag ko pa. Mas gusto ko na lang na mahiga at matulog maghapon dahil nakakatamad na kumilos pag may malaki ang tiyan. Sa gabi naman hira

