Pinasadahan niya ng tingin ang bawat isa sa mga kaibigan niya na nakaupo sa lapag at na kay Cheska rin ang atensyon ng lahat. Tumaas ang kilay niya tsaka ngumiti. “Why such a sudden visit?” tanong pa niya sa mga ito. “At ganito pa kaaga?” hindi pa nasasagot ang una niyang tanong may kasunod na ulit siyang tanong. Nagtataka kasi siya kung bakit bigla ang mga ito nagpunta sa bahay nila ng ganito kaaga. Ganun na ba ka-importante ang sadya nila at talagang kompleto pa sila na nagpunta rito. “Ang gago mo kasi! Ano ba ang mga sinisend mo sa group chat?” iritableng tanong ni Mola. “Ikaw rin ang may kasalanan.” paninisi pa sa kanya ni Niem. Napahinto siya sa ginagawa— then she realize what she have done. Masyado na siyang maraming iniisip para maalala na nag-sent pala siya ng screenshot ng

