“Ate!” malakas na tawag sa akin ni Lota. Nakalingon siya sa akin nasa may unahan ko kasi siya. “Bilisan mo!” pagmamadali niya sa akin. Madaling madali siya sa akin. “Ang bagal bagal mo naman kasi!” reklamo niya sa akin. Lakad takbo siya na binalikan ako sa kung saan ako nandoon. Nasa unahan din si mama pero hindi siguro niya napansin na wala na kami sa likod niya na sumusunod. Kamot ulo si Lota ng makarating siya sa pwesto ko. “Ayan na iwanan na tayo ni mama.” paninisi niya sa akin. Daming sinasabi nakakainis naman ang batang ito. Kotongan ko kaya siya— sabi ko sa aking isip habang nakatingin sa kanya. “Panay ka reklamo.” inis na sabi ko sa kanya. I roll my eyes to her. “Paano naman kasi ang bagal-bagal mo samantalang hindi na kami ganun kabilis ang lakad… doble ang

