Revi “Galit na galit po iyong nanay niya, doc,” ani Lena, iyong nurse. She’s pertaining to the patient that caused a four vehicle rear-end accident by the main road. Three were dead while five were wounded. And this patient only got abrasions. Life is unfair. Ayon sa resulta ng drug test, kumpirmadong gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot. Bukod pa roon, mataas rin ang blood alcohol content nito kaya may mga pulis na nakaabang sa labas ng emergency room. “Why is she mad?” tanong ko. “Ang anak niya ang may kasalanan ng aksidente.” Lena sighed. “Tinatanong po niya kung bakit kinuhanan ng blood tests ang anak niya?” Nilingon ko siya nang nakakunot ang noo. “What’s wrong with that?” tanong ko. “That’s our standard procedure.” “Magsasampa raw po ng kaso sa ospital, doc.” Parang u

