Revi “You’re always on your phone,” Flor said when she saw me texting Theo. Mabilis kong itinago ang phone ko at ngumisi sa kanya na siyang nagpataas naman ng kilay niya. “Boyfriend again?” Alam kong matagal na niya akong hinihingan ng boyfriend. She wanted me to date seriously. Ang sabi niya ay gusto na niya akong magsettle at mag-asawa dahil sa tingin niya ay napakatanda na niya dahil ilan na ang anak niya habang ako ay ni-boyfriend ay wala. I rolled my eyes and shrugged. Wala pa sanang nakakaalam na kami na ni Theo kung hindi siya nagpadeliver ng pizza noong isang araw at sinabing para iyon sa doktor na girlfriend ni Theo. Well, totoo naman. Kami na nga pero hindi ko alam na gagawin niya iyon. I didn’t peg him as someone who has the tendency to be cheesy and ma-PDA. At sa totoo lan

