ONE NIGHT ENCOUNTER 40 “Manang, tulungan ko na po kayo dyan,” pag-aalok ko ng tulong kay manang nang mapansin na malapit na mapuno ang cart na kanyang tulak-tulak. Punong-puno na kasi ‘to ng mga kagamitan sa bahay mula sa sabon panglaba at mga pagkain sa pang-araw araw, may mga stock din ‘to ng chips na pinangkukuha, at mga panglinis ng salamin. “Bantayan mo nalang ‘to, hija.” utos niya sa akin bago hinito ang tutulak ng cart, “May nakalimutan akong kunin sa vegetable area, dito ka na muna at hintayin ako.” Dagdag pa nito. “Okay lang po,” sagot ko dito hinawakan ang cart na nasa aming harapan, “Hintayin ko nalang po kayo dito.” Dagdag ko pa. Tumango lamang siya at naglakad na papalayo sa aking pwesto. Tahimik lamang akong nagtitingin-tingin ng mapansin ang isang malaking kahon ng ch

