ONE NIGHT ENCOUNTER 42.1 Mula sa aking likuran ay isang mabigat na braso ang dumadagan sa aking tyan, dinig at ramdam ko ang kanyang malalim na paghinga habang mahigpit na nakayakap sa aking katawan. Marahan kong tinanggal ang kanyang pagkakaakap ngunit agad din niya ‘tong binabalik sa akin at mas lalo pa ‘tong hinihigpitan. “Maaga pa,” usal niya bago ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg at sininghot-singhot, “Ipagpatuloy mo pa ang pagtulog mo.” Dagdag pa niya. “Eros,” tawag ko sa kanyang pangalan ng bago hinimas-himas ang kanyang braso na nakaakap sa aking tyan, “Tanggalin mo muna ang braso mo, nagugutom ako,” hinaing ko sa kanya. Nagising ako dahil sa pagkalam ng aking sikmura, madilim pa sa labas pero malapit na din mag-alas singko ng umaga. Sigurado na gising na din si manang sa

