ONE NIGHT ENCOUNTER 24.5 Madilim na ang buong kalangitan, ang mga ilaw na nagmumula sa mga bumbilya na lamang ang nagsisilbing ilaw sa buong lugar. Ang lahat ay nag-uumpisa na magkasiyahan, ang mga matatanda ay nagkakantahan, ang mga bata ay masaya na kumakain ng pagkain na kanina pa nila hinihintay—mukhang walang balak pa na magsi-uwi ang mga bata dahil na din ang kanilang mga magulang ay andito pa din at nakikipagsaya sa mga kasamahan. “Tulala ka, anong iniisip mo?” tanong ni Eros sa akin bago ibinababa ang dalawang dalawang plate na may dalawang klase ng dessert na nakalagay dito. “Masakit pa din ba ang braso mo? Kukuha nalang—” “No, hindi na masakit.” Pigil ko sa kanya bago hinawakan ang kanyang kamay. “May problema ba?” nag-aalala ang tono ng kanyang boses. Umiling ako sa kanya b

