One Night Encounter 16: The Party Part 1 Napatingin ako sa hawak-hawak kong imbitasyon. Andoon ang pangalan ni Eros bilang isa sa mga importanteng tao na inaasahan na dadalo sa gabi na iyon, at nasa akin ang imbitasyon na ito kahit na hindi naman ako kasama sa importanteng tao na ‘yon. Alam na ng lahat ang relasyon naming ni Eros, sa tuwing lunch ay siya pa mismo ang nagsusundo sa akin upang sabay na kumain at minsan naman sa tuwing nagiging abala siya ay nagpapadala na lamang ito ng pagkain sa aking mesa. Habang tumatagal din ay mas lalo din dumarami ang issue na patungkol sa akin. Ang karamihan ay gusto na mapalapit sa akin—si Kim na dating nagpaparinig ay palagi na din nakangiti sa tuwing nakikita ako at madalas pa ‘tong bumati sa ‘kin kesa sa manager namin. Ilang beses ko na din sib

