ONE NIGHT ENCOUNTER 14.2 “Busog na busog ako!” usual ko ng maubos na naming ang lahat ng laman ng nasa pinggan. Sa sobrang takaw-tingin ko ay hindi ko akalain na ganon na karami ang lahat ng pinakuha ko kaya naman ay no choice ako kundi ang kainin ang lahat ng iyon. Kung pwede nga lang na magtake out ay gagawin ko na para sa pangkain mamayang gabi dahil sa sarap at malasang mga putahe na nakahain. kung sabagay ay hindi naman ito dadayuhin ng mga tao kung hindi naman masarap ang mga luto sa loob na ito at mas lalong hindi din ito pipilahan ng mga tao. “Mabuti naman,” nakangiting ani ni Eros bago kinumpas ang kanyang kamay, “Bill please!” aniya sa isang waitress na nakatayo mula sa labas ng pinto namin. Ayaw ko kasi na may ibang nakatingin sa akin sa tuwing nakain. Pagtatawanan lamang n

