Flashback KABANATA V Si Suzy, magandang dalaga na walang ibang ginawa kung hindi gawin ang lahat ng gusto niya. Sa impluwensiya na rin ng kanyang mga kaibigan, nagagawa nito maging ang mga bagay na hindi pa angkop sa kanilang edad o masyado pang maaga na mangyari sa kanila para sa edad nila. Nagagawa nilang mamasyal sa kung saan man nila gustuhin, mabili ang kanilang gusto at kung ano pa man. Pero kahit ganoon siya, matalino at mabait na anak si Suzy. Sa katunayan, isa siya sa pinanlalaban ng klase nila pagdating sa mga patimpalak. Dahil sa taglay nitong ganda, karisma at talino, nagagawa nito ng walang kahirap-hirap ang manalo. Katulad ng ibang kabataan sa edad niya, si Suzy ay pagnanais din sa katawan. Dahil na rin sa impluwensiya ng mga kaibigan na mayroon siya, naghangad siya

