KABANATA XI Dalawang araw matapos ang bakasyon kasama ang magkapatid na Buenaventura at ang anak nitong si JB, balik trabaho na ulit si Suzy. Nanatili naman sa bahay nila ang anak nito at hindi na munang pinayagang bumisita sa opisina nila. Sa kabila ng pagkakaroon ng alitan sa pagitan nilang tatlo, hindi nito alam kung ano ang totoong pinapakita nila. Posibleng mabait lang ang mga ito dahil sa anak niya o posibleng dahil sa anak niya kaya gusto nilang tuluyang makapasok ng buo sa buhay niya at gawin ang talagang nais nila. Mahirap gawin ang pagtitiwala ngayon kay Suzy matapos ng marinig niya kay Joshua ang mga maling bagay na ibinibintang sa kanya. Hindi nga rin niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niyang pumasok pa sa kabila ng kahihiyan sa kanya. Marahil, dahil na rin sa ka

