[ MIGGY ] ILANG oras na ang lumipas nang umalis si Rio. Hindi pa rin mawala sa isip ni Farrah ang tumawa dahil sa kinalabasan ng tattoo niyang ginawa nito para sa kaniya. Naisip niyang sayang at wala si Miggy ganoon din si July sana nakita ng mga ito o natunghayan man lang ng mga ito ang ginawa ng binata sa kaniya. Napasinghap siya sa mga naisip, ngayon pa lang kailangan niya ng gumawa ng idadahilan kay Paulo. Pwedi niya naman sabihin na si Miggy ang may gawa n'on para sa kaniya at hindi pwedi si Rio. Ayaw niya naman ipahamak ang kaibigan niya at napag-alaman niya nga mula rito na nagtatago ito kay Pauline. Kahit na alam niyang alam na nga ni Pauline ang tungkol kay Rio. Nagpasya na lamang siyang ayusin ang shop at mukhang maghapon yata silang walang costumer. Wala talagang kahit

