THIS IS FOR YOU FARRAH! bulong ni Paulo sa sarili nang pagmasdan niya ang malita niyang nakahanda na. Hindi siya nagdalawang-isip sa suhestyon sa kaniya ni Pauline. Baka tama ito sa mga sinabi nito sa kaniyang kailangan niyang sundan si Farrah, wala man siyang alam kung saan ito naroon ngayon. Magsisimula siya sa bagay na gusto ni Farrah, nagtitiwala siya sa kutob ng kapatid niya. Tulad nga ng sinabi nito Switzerland ang isa sa bansang kilala na may maraming magagaling na tattoo artist at natatandaan niyang d'on nakatira ang artist na sobrang hinahanggan ni Paulo noon pa. Doon siya magsisimula ngayon, umaasa siyang nandoon ang babaeng pinakasalan niya. Hindi niya na kailangan pang hintayin ang pagbabalik ni Marissa, mas mainam na umalis siyang wala si Marissa sa bansa at baka pigilan lang

