"MABUTI naman maaga ka," salubong ni Miggy kay Farrah. Mabuti talaga at maaga siya, aniya. Muntik na rin kasi siya maipit sa traffic, mabuti na lang hindi pa gano'on karami ang motorista sa daan nang may aksidente sa unahan nila kanina. "Maaga naman ako palagi a," pabirong sagot niya sa kaibigan. Hindi na ito nagkomento pa. Binaling niya ang tingin kay Rio, prente itong nakaupo at nakatuon ang mga mata sa telebisyon. "Ang aga natin ah," aniya rito. Minsan lang naman din kasi ito pumasok ng maaga, nagulat lang siya ngayon at narito na ito. "Good morning, Farrah," bati ni Rio sa kaniya. Late reaction, aniya. "Goodmorning din. May service ka?" tanong niya rito. Umupo siya, paharap dito. pp po "Hindi naman, I mean, wala naman. Wala lang ako'ng gagawin sa bahay kaya naisipan kon

