[ MOMMY ] "NANDITO na pala order natin e," aniya ni Farrah kay Paulo. Tumayo siya para tingnan kung sino ang nag-doorbell sa labas. Tulad nga ng inaasahan niya ang in-order niyang pagkain nila ni Paulo. Nag-pizza lang sila gaya ng napagkasunduan nilang dalawa. Ito na rin ang nagbayad at hindi maman siya nanalo sa gusto nitong mangyari. "Dahan dahan lang sa pagkain mo ha, carbs 'yan at gabi na. Baka hindi ka matunawan," aniya sa kaniya ng nobyo niya. Tinungo niya ang kusina at naglagay ng dalawang pinggan at baso sa tray, tig-isa silang dalawa. "Minsan lang naman. Madalas naman ako'ng hindi kumakain pag wala ka rito. Minsan nga bread lang din ako at wala naman akong kasabay," sabi niya rito. Nilagyan niya ng dalawang slice ng hawaiian si Paulo ganoon din siya. Mabuti na nga lang at ka

