Entry #8: Go, Ulap!

1640 Words
Blog Post #81: Paano na `to? Shit. s**t. s**t. May nangyari na hindi dapat mangyari. Hindi normal `yon. Hindi. Paano na lang kami? Magiging normal pa ba kami ni S sa isa’t isa? Lalo akong mababaliw nito, e. Hindi naman dapat nangyari `yon, e. Pero wait. Aksidente `yon. Hindi sadya. Ibig sabihin ba noon hindi counted `yon? Pati, tulog naman siya, e? Baka nga hindi n’ya alam na nangyari `yon? Paano kung hindi n’ya nga alam? E, `di forever ko `tong dadalhin? Ibig kong sabihin, forever kong alam na siya ang first kiss ko at malamang sa malamang ay hindi n’ya alam `yon. E, kung sabihin ko na lang kaya sa kanya? Pero, paano kung hindi siya maniwala? Paano kung isipin n’yang tsinansingan ko lang siya habang natutulog siya? Paano kung layuan na n’ya ako? Kasi `di ba `yung mga napapanood kong movie kapag nagkaganoon ang mag-best friend nagiging awkward na sila sa isa’t isa. Oh, no! Hindi ko yata kaya `yon. Hindi ko maisip na hindi ako papansinin ni S at ganoon din ako sa kanya. Baka mabaliw ako noon. O tingin ko lang `yon dahil masyado akong attached kay S? Mali na ba `tong sobrang pagka-attach ko sa kanya? Normal naman `to, `di ba? Mag-best friend naman kasi kami, e. Commenter commented on your Blog Post #81. Commenter: Sabi nila, kapag daw ang lalaki at babae ay mag-best friend usually ang isa sa kanila ay may gusto sa isa. Hindi lang umaamin ang isa dahil ayaw ma-friendzone. So, saang side ka? At paano pala kung alam n’ya `yung nangyari? Hahahaha. Sasagutin ko sana `yung comment ni Commenter nang mapansin kong gising na si Sky at nag-se-cellphone na. “Okay na pakiramdam mo?” tanong ko sa kanya. Ibinaba n’ya sa night stand `yung phone n’ya. “Yata. Medyo masakit pa ang ulo ko at mabigat pa ang katawan ko.” “Magpahinga ka pa,” sabi ko sa kanya. Tiningnan n’ya ang laptop ko. “May homework ba tayo?” Umiling lang ako. “E, ano `yang ginagawa mo?” “Wala naman, nag-se-search lang ako sa internet,” sagot ko. Pinatay ko na ang laptop ko at lumapit sa kanya. Tinanggal ko ang cooling patch at kinapa ko ang noo n’ya at pinakiramdaman kung mainit pa. “Mukhang effective `tong cooling patch,” natatawang sabi ko. “Akala ko hindi totoo `yung nasa commercial.” “Bakit mo binili kung akala mo pala hindi effective?” kunot noong tanong ni Sky. “Wala lang. Gusto ko lang makita kung ano itsura nang gumagamit nito. In fairness naman, bagay sa iyo.” Nag-poker face siya sa akin. Nagkibit balikat na lang ako. Wala pa siguro siya sa mood makipaglokohan ngayon. “Nga pala, Sky, may kasama ka ba kanina dito? Nagkita kasi kami ni Kelvin sa convience store kanina sabi n’ya may nakita daw siyang babae dito.” Tumaas ang kilay n’ya. “Kelvin? Dinaanan ako ni Mama kanina, nagdala ng gamot,” walang ganang sagot n’ya. “Kumain ka na ba? Late na, a? Bakit pala hindi ka pa umuuwi?” “Kaka-text ko lang kay Kuya. Sabi ko sa kanya dito ako matutulog ngayon.” Tumango tango lang siya. Tumayo siya at pumuwesto sa headboard ng kama n’ya. Nilagay n’ya ang isang unan n’ya sa isang armrest at saka humiga na. Nilalaro n’ya pa ang paa n’yang nakalawit sa kabilang armrest. “Para kang bata, Sky,” natatawang puna ko sa kanya. Nginitian n’ya lang ako at pumikit na. Pinapanood ko lang siyang matulog. Hindi pa rin naman ako dinadalaw nang antok. Hinaplos ko ang may kahabaang buhok n’ya na tumatabing sa mukha n’ya. Nakita ko na nang maayos `yung guwapong mukha ni Sky. Madami sigurong sumusumpa sa akin tuwing naririnig akong nilalait ang kapogian ni Sky. Kahit kalian kasi hindi ako naging vocal sa kapogian n’ya. Lagi ko lang sinasabi na hindi siya guwapo. Siguro dahil naging hobby ko na lang siya. K-in-iss ko siya sa forehead n’ya. “Good night, Sky. Pagaling ka, ha?” Tatayo na sana ako para lumipat sa kuwarto ko nang bigla n’yang hinatak ang isang kamay ko. Dahilan para mapahiga ako sa tabi n’ya. “Sky?” tawag ko sa kanya. Tumagilid siya at naramdaman ko ang pagbagsak ng braso n’ya sa bewang ko. Nilingon ko siya, pero tulog na tulog na talaga siya. Sinubukan kong alisin ang braso n’ya pero bumabalik lang. “Sky, gising ka ba?” tawag ko ulit sa kanya. HINDI ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Ang higpit nang yakap sa akin ni Sky kaya hindi ako nakaalis sa tabi n’ya. Siguro ay sumobra na lang ang antok ko kaya nakatulog ako. Pagkagising ko ay wala na si Sky sa tabi ko at nakapatong na sa akin `yung comforter na gamit n’ya kagabi. “Bangon na, may klase pa tayo. Dinaan na ni Kuya Marco `yung uniform mo,” sabi ni Sky noong sinilip n’ya ako sa pinto. “Nagluluto ako ng breakfast, tumayo ka na d’yan.” “Is ea. Is ea,” sagot ko at saka pinilit ang sarili kong tumayo. Yes. Yes. “Ang cute mo kapag ginagamit mo `yung native language mo,” natatawang sabi n’ya bago tuluyan akong iniwanan. Lumipat ako sa kuwarto ko at saka nag-ayos. Naligo na ako at lahat ng kailangan kong gawin ginawa ko na. Nagsuot na rin ako ng uniform para ready to go na ako mamaya pagkatapos naming kumain. Pagkababa ko, ready na rin si Sky. Naka-uniform na rin siya at fresh na fresh na ang itsura n’ya. Ang cool n’yang tingnan. Bagay sa kanya `yung may nakasuot na apron tapos halos pumutok `yung sleeves ng uniform n’ya dahil sa muscle na lumalabas kapag ginagalaw n’ya `yung mga kamay n’ya. “Pinagpapantasyahan mo na naman ang katawan ko.” Muntik ko nang mabato sa kanya `yung hawak ko na tinidor dahil sa sinabi n’ya. “Kapal mo naman!” tanggi ko. “Sure ka na bang papasok ka na? Saka bakit naligo ka na? Baka mabinat ka n’yan,” nag-aalalang sabi ko. “Ayos lang ako. Lagnat laki lang `yung kahapon.” “Lagnat laki? E, hindi mo nga maitayo ang sarili mo kahapon, e. Na—” napahinto ako sa sinasabi ko. Kung hindi ko naisip kagad kung ano `yung muntik nang lumabas sa bibig ko baka kung ano na ang nangyari. “Anyway, sigurado kang okay ka na, ha?” “Oo nga, pati kinausap ako ni,” tumingin siya sa akin, “Jonathan noong Saturday, tinanong n’ya ako kung p’wede akong maglaro ngayon para sa team nila. One man short yata sila.” “Ano ibig sabihin noong tingin mo?” taas kilay na tanong ko. “Naka-get over na ako sa kanya, okay?” sabi ko sabay irap. “Okay,” natatawang sabi n’ya. “Manonood ka ng game, `di ba?” Saglit na napaisip ako. Gusto ko bang manood? Nandoon si Jonathan, e? Pero ngayon na lang ulit maglalaro si Sky. Bakit ba iniisip ko pa si Jonathan? Naka-get over na nga ako sa kanya, `di ba? “What time?” “After ng klase natin kay Sir Gregorio, mga four.” Tinitigan n’ya ako. “Siguraduhin mong nandoon ka, okay? Kapag hindi ka dumating hindi ako maglalaro.” Nag-poker face ako. “Pressure naman!” reklamo ko. Siya naman ang nag-poker face. “Manonood ka o manonood ka?” “Oo na, parang may choice naman ako?” kunwaring napilitang sabi ko. PAGDATING ko sa gymnasium ay nagsisigawan na `yung mga tao. Late na yata ako kaya nagmadali na akong pumasok at naghanap ng p’westo. Nang makaakyat na ako sa isa sa mga bleacher saka ko lang napansin sa stage na may banda pa. Napa-face palm ako nang makita ko na ang banda pala ni Kuya `yon. Pagkatapos nang set nila tinawagan ako ni Kuya kaya naobliga ako na lumipat ng puwesto sa tabi nila. Manonood din kasi sila nang laro. Pati, fan kasi ni Sky si Kuya pagdating sa paglalaro ng basketball. Wala kasing alam na sport ang Kuya ko. Malamya ang katawan n’ya dahil walang ka-exercise exercise sa katawan. “I prepared this for you,” sabi ni Kuya sabay abot sa akin ng isang telang nakatiklop. “I just want to be sure that you’ll be cheering for Ulap and not anyone else.” Binuksan ko `yung telang binigay n’ya sa akin. Natakip ko sa mukha ko `yung tela nang mabasa ko kung ano ang nakalagay. “Go, Ulap! Go, Ulap! Bring home the bacon! Love, CK, heart,” basa ko. “No one calls him Ulap, Marco,” natatawang sabi ko. “Oh, that’s okay. They will probably copy us when they hear us cheering for Ulap,” sabi n’ya at saka abot taingang ngumiti. “Go, Ulap!” sabi n’ya sabay angat pa ng kanang kamay na parang nag-chi-cheer talaga. “Come on! Don’t be KJ! Go, Ulap!” ulit n’ya pa. Napayuko ako at pilit na ginaya siya. Pero noong nagsimula na ang laro. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong hindi sumigaw nang malakas. “Go, Ulap! Go! Go! Ulap! Ulap!” Paniguradong wala akong boses nito pagkatapos. Para kay Sky!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD