Chapter 7

1078 Words
Maraming kwarto ang dinaanan nila Kai at Mr. Pool pero wala sa mga iyon ang pupuntahan nila. Ganun pa man in-explain pa rin ni Mr. Pool kung ano ang mga bawat dinadaanan nila. "Ang lahat nang makikita mong kwarto na dinadaanan natin ay mga normal na silid aralan lang." Turo ni Mr. Pool sa magkabilaang kwarto na nadaanan nila. Lumapit naman si Kai sa bawat pintuan para silipin kung ano ang itsura nito sa loob dahil may konting salamin sa bandang gitna't taas ng pinto na pwedeng pagsilipan pero pagkatapos naman ni Kai sumilip sa bawat kwarto na parepareho lang namang ng design sa loob ay sumusunod din siya kay Mr. Pool hanggang sa makalagpas sila sa redline ng paaralan. Huminto si Mr. Pool habang nakatingin sa redline na nasa sahig, pa ikot sa magkabilang pader at ceiling. Ganun din si Kai dahil nakita niya si Mr. Pool, kaya pagpantay ni Kai kay Mr. Pool ay ipinaliwanag kaagad nito ang ibig sabihin ng redline. "Subukan mong pumasok." Utos ni Mr. Pool. Bago humakbang si Kai sa redline ay binigay niya kaagad kay Mr. Pool ang I.D nito pero hindi tinanggap ni Mr. Pool. "Hawakan mo lang 'yan," ani Mr. Pool kay Kai. Hinawakan lang ulit ni Kai ang I.D at humakbang na sa redline. Paghakbang ni Kai sa linya ay bigla itong naging green pero onti-onti rin naman itong nawawala at bumabalik sa pagkapula. "Ngayon tingnan mo yung I.D ko." Utos ulit ni Mr. Pool. Nakita ni Kai na nagkapulang linya ang babang I.D ni Mr. Pool. "Woahh," mangha niyang sabi. "Indicator din po ba ito?" Tapak niya sa linya. Tumango si Mr. Pool at inilagay ang dalawang kamay sa likod. "Paano naman kung ako ang papasok?" tanong ni Mr. Pool. "Hmm," pag-iisip ni Kai habang nakatingin kay Mr. Pool hanggang sa magka-idea siya kung ano ang mangyayari, kaya agad siyang humarap kay Mr. Pool. "Magiging dalawa po ang pulang linya dito sa I.D niyo." Nakangiting sabi ni Kai habang nakaturo sa I.D ni Mr. Pool kung saan magkakapulang linya ulit. Seryoso ang mukha ni Mr. Pool bago humakbang sa kabila, kaya medyo kinabahan si Kai pero hindi naman halata kay Kai na hindi siya sigurado sa sagot niya. Paghakbang ni Mr. Pool sa linya ay nag-green din ang buong linya at excited na tiningnan ni Kai ang I.D para alamin kung tama ba ang sagot niya o hindi. Lumabas ng dahan-dahan ang pulang linya sa baba ng isa pang pulang linya na nakuha niya nung una siyang humakbang sa linya. Natuwa si Kai at agad na pinakita kay Mr. Pool ang dalawang pulang linya. "Tama ako," tuwang sabi ni Kai. "Na basa mo ba 'yon, kaya mo alam?" Tingin ni Mr. Pool kay Kai. "Hindi po." Iling ni Kai. Hindi na tinanong ni Mr. Pool kung paano nalaman ni Kai ang ganun dahil dumiretso na agad ito ng lakad pero hindi naman nagpapigil si Kai dahil gusto niyang sabihin kay Mr. Pool kung bakit niya nalaman ang ganung bagay. Lumapit si Kai sa gilid ni Mr. Pool at nangulit. "Hindi niyo po ba tatanungin kung bakit ko nalaman?" Umiling si Mr. Pool at tuloy tuloy pa rin ang lakad. Hindi naman makatiis si Kai, kaya sinabi niya pa rin kay Mr. Pool kung bakit niya nalaman kahit hindi naman tinatanong ni Mr. Pool. "Nalaman ko po 'yon dahil dito." Turo ni Kai sa Pass plus visitor na sign sa I.D ni Mr. Pool. Tumingin naman si Mr. Pool kung saan nakaturo si Kai pero diniretso rin kaagad ang tingin sa hallway. "Alam ko po kasing parehas lang ang security A.I niyo dit, kaya-" Tumigil si Kai sa paglalakad dahil tinakpan ni Mr. Pool ang bibig ni Kai. "Shh," ani Mr. Pool. Tumigil naman si Kai sa pagsasalita dahil nagulat din siya sa ginawa ni Mr. Pool sa kanya pero tinanggal din naman kaagad ni Mr. Pool ang kamay niya sa bibig ni Kai. "Ibang iba ka talaga sa binigkas ni Mr. La Von." Harap ulit ni Mr. Pool sa hallway at naglakad. Sumunod naman si Kai ng lakad habang nagtataka kung pwede ba siyang magsalita hanggang sa mahalata niya na parang iba ang itsura ng loob at labas ng paaralan dahil dirediretso lang sila kanina pa pero kung titingnan mo sa labas ay isang malaking paaralan ang aasahan mo. "P-pwede po ba ako m-magtanong?" kinakabahan niyang sabi habang nasa gilid. "Mas gusto ko pang marinig sa tenga ko 'yan," sagot naman ni Mr. Pool. Bumalik naman ang gana ni Kai, kaya nagawa na ulit nito magsalita. "Hindi niyo pa po kasi nasasabi kung ano ang ibig sabihin nung pulang linya kanina." "Sinabi mo na diba?" inis na sabi ni Mr. Pool pero tinuloy niya pa rin kung ano ang bagay na iyon. "Isa iyong indicator kung saan malalaman mo kung pwede ka bang lumagpas sa linya," tuloy na sabi ni Mr. Pool. "Alam ko po pero para saan po iyon?" pilit na tanong ni Kai. "Bakit po may ganun sa gitna ng hallway?" "Para iyon sa mga visitor na walang I.D kung tama ba ang count ng system sa unahan, although may mga CCTV naman." Angat ng ulo ni Mr. Pool habang nakaturo sa bawat CCTV na na dadaanan nila sa hallway. "Hindi pa rin kaya ng CCTV na malaman kung may I.D ba sa bulsa o dala ang isang tao pagpasok nila sa unang pinto dahil minsan binubulsa na nila ito o tinatago." Diretso ulit ng tingin ni Mr. Pool. "Paano nalalaman ang ganung bagay?" pagtataka ni Kai. "Ikumpara mo siya sa metal detector na madalas mong makita sa mga mall," sagot ni Mr. Pool. "Ang I.D na hawak mo ay naglalaman ng chips na kayang madetect kahit gaano ka pa ka bilis tumuloy sa linya." Tigil ni Mr. Pool sa dulo ng hallway kung saan may pinto ng elevator. Nagtaka si Kay kung bakit hindi pa pinipindot ni Mr. Pool ang buton, kaya tumingin siya kay Mr. Pool at nakita niya na nakabukas ang palad ni Mr. Pool sa kanya para sa I.D nito, hindi niya ito nakita sa umpisa dahil nakatingala siya digital screen ng elevator sa taas ng pintuan. Agad na nilapag ni Kai sa palad ni Mr. Pool ang I.D nito at tsaka pinindot ni Mr. Pool ang buton ng elevator. "Sorry po," ani Kai. Binaba ni Mr. Pool ang kamay niya pero hindi niya pa binulsa ang I.D hanggang bumukas ang pintuan ng elevator, kaya sabay na silang pumasok ni Kai.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD