Sa dormitoryo, ang mga mag-aaral ay nagpatuloy sa kanilang karaniwang gawain at naghahanda para sa mga aralin sa umaga. Si Dr. Azazel na kababalik lang ay nakita niya ang dalawang babaeng kumakatok sa dorm room ng kanyang assistant. “Ah... Kung hinihintay niyong dalawa si Kai, babalik siya pagdating ng tanghalian.” Lumapit si Dr. Azazel sa dalawa. "Huwag kang mag-alala sisiguraduhin kong makakatanggap siya ng mensahe na naghihintay kayong dalawa sa kanya." Sina Ari at Dianna ay parehong yumuko bilang paggalang at umalis. “Ay teka, nakalimutan kong hindi ginagamit ni Kai ang kanyang lumang phone at hindi pa pala siya nakakabili ng bago. Well it's his fault anyway, hinayaan ang dalawang babae na maghintay sa kanya. Sisiguraduhin kong makonsensya siya tungkol dito.” Si Dr. Azazel ay tumawa

