“Kuya Gio!” agad ako’ng lumapit at yumakap sa kababata ko! Niyakap din ako ni Gio pabalik, pero parang nanigas ang katawan ko nang himasin n’ya ang likod ko at ikuskos ang mukha n’ya sa gilid ng leeg ko. Parang kakaiba ang dating noon. Agad ako’ng tumulak palayo sa kan’ya at ngumiti para `di s’ya ma-offend. “K-kamusta na, Kuya Gio?” bati ko sa kan’ya. “College ka na nga pala, saan ka nga ba nag-aaral ngayon?” “Sa M University, I’m taking up medicine, I plan to go into research also,” sabi n’ya habang kapit ang kamay ko na mukhang wala s’yang balak bitawan. “Alam mo ba, Kuya Josh, nakakuha si Kuya ng full scholarship dahil sa sobrang talino n’ya!” pagmamalaki ni Rome na humarap kay Aveera. “Ate Aveera, eto Kuya Gio ko, Kuya, si Aveera, kaibigan namin!” “Hello,” bati ni Gio na `di

