Talaga’ng `di na ko bumalik sa kuwarto nina Kuya! Kaya pala pinagbawalan ako ni Dad dati, alam n’ya siguro na pagtutulungan ako ng dalawa! Pero may magandang nangyari nang mga panahon na `yon! Si Mama, tuwang-tuwa nang tumaas ang mga grades ko sa school dahil sa pag-tutor sa `kin ni Kuya Win! “Naku! Ang galing-galing naman ng Josh ko! Balita ko, umabot ka raw sa top 10 ng class n’yo?” bati sa `kin ni Mama nang dumating ang resulta ng midterm exams namin. “Opo Mama, nag top 7 ako! Magaling po kasi magturo si Kuya Win!” pagmamalaki ko habang kumakain ng cinnamon roll. “Sige, pagpatuloy n’yo `yan,” sabi naman ni dad na busy sa kan’yang cellphone. “Ikaw, War, `yung mga projects mo sa engineering, naipasa mo na ba lahat?” “Opo, dad,” ngumiti siya ng pilyo. “Isa na lang po ang kulang, i

