Chapter 2

1628 Words
Tulad nang sinabi ni Mama, si manong Johnny na nga ang naghatid-sundo sa `kin sa school. Okay lang naman, wala halos nagbago sa schedule ko, kaya lang mula noon, bihira ko nang makita si Mama. Sa umaga na lang kami nagbabatian, bihira pa, tapos nagmamadali pa lagi silang umalis. Ang mga bagong Kuya ko naman, tanghali ang pasok sa college. Tulog pa sila pag-alis ko sa umaga, at gabi na kung umuwi. Inisip ko, sa weekends na lang ako babawi. At least, magkakasama kami, at mararanasan ko rin magkaroon ng malaking pamilya! Pero kahit sa weekends, halos wala pa rin ako’ng kasama. Lumipas ang unang dalawang Linggo na halos `di kami nagkikita, kaya ang saya ko nang sa wakas ay makasama ko si Kuya Edwin sa hapag kainan pagdating nang ika-tatlong Linggo! ”Good morning Kuya Edwin!” bati ko sa pinaka matanda ko’ng Kuya. ”Buti nagkasabay din tayo kumain! Akala ko talaga sa sobrang laki ng bahay, hindi na tayo magkikita!” ”Mm,” tipid na sagot nito habang umiinom ng kape at may kapit na cellphone. ”Gising na rin ba si Kuya Edward?” umupo ako sa tabi n’ya at kumuha ng malaking sausage mula sa serving plate. Dito lang ako nakakita ng sausages na ganitong kalalaki! ”He’s probably still asleep,” sagot n’ya na umiwas ng tingin sa akin. Napatitig ako kay Kuya Edward habang hawak ang sausage sa fork. Ayos na ayos ang itsura n’ya na nakasuot ng polo shirt na puti na walang kalukot-lukot, pati ang buhok n’ya na naka-brush up, plantsadong-plantsado. Aalis nanaman ba siya ngayon? Napabuntong hininga na lang ako at patuloy kumain. ”Ang sarap talaga ng pagkain n’yo rito `no?” sabi ko kay Kuya. Mas mabuti nang kausapin ko s’ya bago pa n’ya ako iwan `uli sa bahay. ”Alam mo, ngayon lang ako nakatikim ng sausages na ganitong kalalaki!” Kinagat ko ang sausage ko. ”Ang shawap!” Napasimangot si Kuya Edwin na bahagyang lumingon sa `kin. ”Don’t talk with your mouth full,” sabi nito. Napahiya naman ako doon! Kasalanan ko ba kung `di ko makagat yung sausage? Ang laki kasi, eh, ang kunat pa ng balat, `di maputol ng ngipin ko. Ayan, tumulo tuloy laway ko sa kakangatngat nito. ’Shlurp’ Hinigop ko ang laway ko’ng patulo sa mesa, napalingon tuloy bigla sa `kin si Kuya Edwin. Naku, mukhang naiirita s’ya! Ayan na nga, namumula na ang mukha n’ya sa galit! ”Didn’t your mom teach you table manners?” sabi nito. Inilabas ko ang nginangatngat ko’ng sausage sa bibig at ibinalik iyon sa plato ko. “Sorry... ang laki kasi eh... `di ko makagat...” lalong namula sa galit ang mukha ni Kuya. ”Tsk!” kinuha n’ya ang isang napkin at pinunasan ang bibig ko. ”Ang dungis mo!” sabi n’ya, tapos ay kinuha n’ya ang tinidor ko at kutsilyo at pinutol `yung sausage sa mas maliliit na piraso. ”Ayan! Liitan mo ang putol kung `di kasya sa bibig mo!” sabi n’ya, galit pa rin. ”Thank you, Kuya!” masaya ko’ng sabi. Umabot ako ng cinnamon roll sa mesa. Mukhang maganda ang araw na `to! Ang sarap pala nang may Kuya na nag-aalaga sa `yo! Napatingin `uli ako kay Kuya Edwin, kahit mukhang galit, nagawa pa rin n’ya ako’ng ipagputol ng sausages! Ang bait-bait n’ya naman! ”O, ang aga-aga, nakasimangot ka?” napatingin ako sa may dulo ng dining room. Nandoon si Kuya Edward na nakangisi kay Kuya Edwin. Nakasuot naman siya ng muscle shirt na gray. Kitang-kita ang katawan n’ya na mukhang alaga sa gym. Kung si Kuya Edwin ay mukhang prinsipe, si Kuya Edward naman ay mukhang dark knight! Gusto nga ni Mama gawing modelo ang dalawa ko’ng bagong kapatid para sa men’s line n’ya, eh, kumpara kasi sa kanila, ako, `di tinutubuan ng muscles, at mukhang wala nang pag-asang tumangkad pa. ”Good morning Kuya Edward!” bati ko rito. “Good morning, Joshua Safiro.” Ngumiti s’ya sa `kin, “How are you this morning?” “Okay naman... Nasan sina Daddy?” tanong ko. ”Kanina pa nakaalis,” sagot ni Kuya Edward na natawa. ”Hindi talaga ako masanay sa mukha mo, tisoy na tisoy ka with your blond hair and bright blue eyes, pero ang tatas mo’ng magtagalog!” ”Marami nga nagsasabi.” Ngumisi ako sa kan’ya. ”Umalis nanaman pala sina Mama? Akala ko `di pa sila bumabangon... Balak ko pa naman sana, sama-sama tayo kakain at magsisimba ngayon...” ”Aw, are you feeling lonely little bro?” tumabi sa `kin si Edward, “Don’t worry, Kuya Win and Kuya War will take care of you,” sabi nito, sabay akbay sa `kin. ”Hindi naman, nandito naman kayo...” lumaki ang ngisi ko, ”medyo naninibago lang ako, kasi, dati, lagi kaming magkasama ni Mama `pag kumakain.” ”Don’t worry, baby, I’ll keep you company,” sabi ni Kuya Edward. “I’ll even keep you warm at night...” “Ehem.” Napatingin kami kay Kuya Edwin na masama ang tingin sa amin. ”Ay, table manners, Kuya Edward!” tinanggal ko ang braso n’ya sa balikat ko at umupo nang maayos sa hirap ng pinggan ko. ”War na lang itawag mo sa `kin, kahit wala na ang Kuya.” Kumuha siya ng isang putol ng hotdog sa pinggan ko at dinilaan ito na parang popsicle. ”Okay, baby Josh?” ”Okay.” Ngumiti ako sa kan’ya at tumingin kay Kuya Edwin, ”Win!” ”I prefer you call me Kuya.” sabi nito. “Ay, sorry...” mahina ko’ng sagot. “Haha, Kuya Win talaga, napaka suplado, hindi ka ba natutuwa sa cute na cute na baby bro natin?” tanong ni War na kumapit sa likod ko, “Ilang taon ka na nga ba?” balik n’ya sa `kin. “Eighteen na `ko Kuya! Kakabirthday ko lang bago ikinasal sina Mama at Dad!” “Oh, then, you’re already legal?” Ngumiti s’ya at nagtaas-baba ng kilay sa akin. Ginaya ko s’ya at ngumiti rin. “Bakit nga ba Safiro ang surname mo, habang Pilapil naman ang sa mama mo? At ayaw mo ba’ng maging Diaz kahit part ka na ng pamilya namin?” tanong pa n’ya. “A-ayaw kasi papalitan ni Mama,” sagot ko. “`Yun daw apelyido ng tatay ko.” “Well, fine by me, mas bagay nga naman pangalan mo sa itsura mo, you’re soo cute!” Kinurot n’ya ang pisngi ko. “What’s more, you’re an omega,” dagdag n’ya. “You smell so yummy!” “Eh?” Inamoy ko ang kili-kili ko. “Nangangamoy ba `ko?” Narinig ko’ng masamid si Kuya Win, pero pagtingin ko, nagtatakip siya ng mukha. “Kumain na nga kayo,” sabi nito. “Hindi masarap ang sausages `pag hindi na mainit.” “Hear-hear!” sabi ni War na kumuha `uli ng isang piraso sa plato ko. Sinubo n’ya iyon sa akin. “Kain ka pa, para lumaki ka. Mukhang `di mo nakuha height ng Australian dad mo.” ”Thank you,” nginuya ko `to habang kumukuha ng isa pang cinnamon roll. “Paborito mo ba `yang cinnamon?” tanong ni War, “mukhang naka tatlo ka na, ha?” “Oo, Kuya, nakakaubos ako ng isang pack nito na 10 pieces sa isang upuan!” pagmamalaki ko. “Talaga? Eto, kain ka pa.” Muli n’ya ako’ng sinubuan. Maya-maya pa ay namumulunan na `ko! “You look like a gerbil!” tuwang-tuwa s’ya, hinalikan pa n’ya `ko sa pisngi. “`Oy, sobra na `yan!” saway sa kan’ya ni Kuya Win. Buti na lang, dahil busog na `ko sa kakasubo ni Kuya War! “But he’s soo cute!” kinurot n’ya `uli ako sa pisngi, “Don’t you just wanna gobble him up?” “Kuya, busog na `ko...” nginusuan ko s’ya. “`Di ba sabi ko, `wag mo na `ko’ng tawaging Kuya?” sabi nito, “Ayoko’ng maging Kuya mo, buti nga iba surnames natin para walang issues.” Na shock naman ako sa sinabi n’ya! So... hindi ba s’ya sang-ayon sa kasal nina Mama?! Sa sobrang lungkot ko, ay `di ko napigilang tumulo ang ilang luha sa mata ko. “Mas gusto ko’ng maging – O? Bakit ka biglang umiyak?!” gulat na tanong ni War. “Eh... kasi... sabi mo ayaw mo maging Kuya ko, ueeeeh...!” `di ko na napigilang ngumawa. “Kaya mo ba ko pinagtri-tripan kasi ayaw mo sa `kin?” “Now look what you did!” Napatingin ako kay Kuya Edward na tumayo sa mesa at mukhang galit din sa `kin! “Ueeeeh! A-ayaw mo rin sa `kin?!” Natigilan si Kuya Edward, tapos ay hinatak n’ya ko patayo ay niyakap. Sa tangkad n’ya, hanggang dibdib n’ya lang ako! “War! From now on, bawal ka nang lumapit kay Josh!” sabi nito. “What?! What did I do? At bakit mo yakap-yakap si Josh?!” tumayo s’ya at hinatak ang isang kamay ko. ”Josh, hindi ako galit! You can call me Kuya if you want to, pero mas gusto ko War na lang ang itawag mo sa `kin, para mas close ang dating!” “C-close?” Inataki ako ng hikbi. “Oo, gusto ko kasing maging higit pa sa Kuya mo.” ”Gusto mo... maging... best friends tayo?” napatingala ako sa kan’ya. “...Yeah, something like that!” ngumiti sa `kin si War na mas matangkad pa kay Kuya Win. “O-okay...” Suminghot ako ay yumakap din sa kan’ya, “Ikaw din, Kuya Win?” “Yes,” sagot nito na tinitigan si War nang masama. “But I prefer you call me Kuya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD