Part 1

1004 Words
Lunes, 6am tumunog ang alarm ng cellphone ni Cassie, 8am ang pasok niya bilang clerk sa isang travelling agency, nakikitira siya sa tiyahing si Melba, matandang dalaga na may ari ng isang maliit na sari sari store sa tapat ng kanilang munting bahay, bumangon na siya at naupo sa gilid ng kanyang kama, excited siyang pumasok dahil makikita niya si Randy, kaopisina niya, unang kita pa lang niya dito ay nagustuhan na niya ito, at hindi siya nahihiya na ipaalam sa iba na gusto niya ito, kapag bagong sweldo siya binibilhan niya si Randy ng pasalubong, at sasabihin pa niyang "from the bottom of my heart" sabay kindat, iiling iling namang tatanggapin ito ni Randy, may girlfriend na kasi si Randy, si Brenda ang sekretarya ng boss nilang si Aldo, sexy si Brenda at laging pak na pak (ika nga ng mga millenial), si Cassie naman ay simple lang, sa katunuyan nga kay Randy lang talaga siya naglabas ng kanyang feelings, iba kasi si Randy, gwapo na mabait pa, at matipuno pa, at walang pakialam si Cassie kung bagay si Randy at Brenda Tumayo na siya para lumabas ng kwarto at maligo, naabutan niyang naghahanda ng almusal ang kanyang Tita Melba, as usual pandesal, kape at kesong puti ang nakahanda, paborito niya ang mga yun pero minsan ay nagsasawa na rin siya dahil halos araw araw ito ang hinahanda ng kanyang tita "O Cassie kumain ka muna bago maligo" ani ng kanyang Tita Melba Umupo siya at humigop ng kape, "Tita sino po kausap niyo kagabi sa cellphone?" tanong niya dito, bumangon kasi siya ng bandang 11pm para umihi, nakita niya ang ang kanyang tita na may kausap sa cellphone habang nakadungaw sa may bintana, hindi na lamang niya ito pinansin dahil mawawala nanaman ang antok niya pag matagal pa siyang bumangon "Ah wala yun kaibigan ko lang" habang ngingiti ngiti, at nagpapalaman ng kesong puti sa pandesal "Hala siya" tukso niya dito "Hoy tumigil ka diyan, chismosa ka" ngingiti ngiti pa rin ito "Nagtatanong nga eh, siguro may boyfriend ka na, lagot ka kay lola bawal ka pang magboyfriend, baby ka pa, kerengkeng ka na" "Siraulo ka!" natatawang sabi ng tiya ka niya "Hindi nga Tita Melba, seryoso ako, boyfriend mo yun?" "Hindi noh" "Hala patweetums pa siya, highschool tita? Highschool?" "Alam mo bilisan mo na diyan dahil malelate ka na" Bigla siyang napatayo "Ay oo nga pala, nakakahiya naman kay Randy my loves" "Tingnan mo, ikaw ang kerengkeng" sagot ng tita niya "At least inaamin ko, hindi tulad ng ibang tao diyan" nakangiti niyang sagot "Bilisan mo na babatuhin kita ng pandesal diyan" banta ng tita niya, pumasok na siya sa banyo para maligo, mula nang maulila siya nung highschool ay si Tita Melba na niya ang kumupkop sa kanya, kapatid ito ng kanyang ina, kahit matandang dalaga ang kanya tita ay mabait naman ito at magiliw sa ibang tao, kaya lang wala ata sa bokabularyo ni Tita Melba ang salitang "move on" dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang unang pagibig na si Mario 7:50 na, tamang tama lang na dumating siya sa opisina, pag pasok niya ay andun na si Marj, kasamahan niya at kaibigan na rin, magkatabi sila ng desk, may asawa na si Marj at may isang anak na babae pero maganda pa rin ito, kung tutuusin ay hindi na nitong kailangan magtrabaho dahil malaki naman ang sweldo ng mister nito, pero dahil naiinip ito sa bahay mas ginusto na lang nito magtrabaho, 2 years old naman na ang anak nito at ang kanyang ina ang nag aalaga "Good Morning Cassie" nakangiting bati nito sa kanya "Good Morning Marj" pero hindi siya tumitingin dito dahil hinahanap ng mata niya si Randy "Hoy Cassie wala si Randy" "Ha? Bakit? Anong nangyari sa Randy ko?" gulat na tanong niya, saka lang siya tumingin kay Marj "Gaga, diba nakaleave yun ngayon?" "Ay oo nga pala" bigla siyang nalungkot "Ok lang yun nang mamiss mo naman" "Namimiss ko na nga eh, biruin mo hindi ko siya nakikita pag uwian na at linggo" "Gaga ka, tigilan mo nga yang si Randy, may girlfriend na yun, minsan nga ang sama na ng tingin sayo ni Brenda, nagseselos ata" "Ay talaga?!" tila nabuhayan siya ng loob "O bakit mukhang natutuwa ka pa diyan?" "Eh kasi, diba sabi mo parang nagseselos si Brenda sa akin, so ibig sabihin possible na nararamdaman ni Brenda na may something sa akin si Randy ko" " Ay siraulo na to, wala na, pacheck up ka na girl" "Tse!!! Happy ako, nagseselos si Brenda, ang saya saya" "Seryoso girl, tigilan mo na si Randy, sinasabihan kita kasi kaibigan kita, baka masaktan ka lang kay Randy" "Seryoso ako Marj, gusto ko kasi talaga si Randy, alam ko naman na hindi ako liligawan ni Randy dahil kay Brenda" "Bakit hindi ka na lang maging happy para sa kanya?" "Marj, ngayon lang ako nagkaganito sa isang lalaki, hindi naman ako manggugulo sa relasyon, gusto ko lang iparamdam kay Randy na mahal ko siya" "Masasaktan ka lang" "Nasasaktan naman na ako, lalo na pag nakikita ko silang magkasama ni Brenda, pero umaasa pa rin ako, hindi pa sila kasal" "Hays, wala na akong masabi" "Kapag nagpakasal sila or kahit nagpaplano pa lang titigil na ako, ayoko naman maging literal na kabit noh, ngayon hindi pa naman ako kabit" Maya maya dumating na si Brenda, late ito, pero ok lang siguro kasi wala pa rin naman si Boss Aldo, dumaan si Brenda sa kaharapan nila pero hindi man lang sila tiningnan nito, may pagkamasungit din si Brenda, alam ni Cassie na yun talaga ang ugali nito dahil sa lahat ng staff sa opisina isa lang ang trato niya, feeling siguro nito ay boss na rin siya Dumaan ang buong araw na talagang hindi nakita ni Cassie si Randy, ni hindi rin nito sinundo si Brenda, kahit masakit para sa kanya na susunduin nito si Brenda ay ok na rin sa kanya dahil alam niyang makikita niya ito, pero walang Randy na dumating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD