Part 18 "Mauna na ako, ha. Kailangan ko nang pumunta sa hospital," paalam ko kina Anton at Cindy matapos ang aming klase. Nagmadali akong tumakbo papunta sa labas ng aming school at naghintay ng maaring sasakyan papuntang hospital. Habang nasa ganoong sitwasyon ako ay biglang tumigil ang pamilyar na sasakyan. Ang sasakyan ni Kuya Renz. Ibinaba niya bintana nito at nakita ko anv nakangiting mukha ni Kuya Renz. "Pupunta ka ba sa hospital?" nakangiti niyang tanong sa akin na sinagot ko naman. "Sabay na tayo. Doon din naman ang punta ko para dalawin si Owen," anyaya niya sa akin. Hindi na ako nag-isip pa kundi ang sumang-ayon sa sinabi ni Kuya Renz. Sumakay ako sa sasakyan ni Kuya Renz at pagkatapos ay nagsimula na kaming byumahe. Habang nasa byahe kami, napansin kong hindi kasama ni Kuya

