Part 14 Nagsimula na naman ang klase gaya ng dati ay nagfocus ako sa pag-aaral para sa amin ni lola. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na pinagkaloob sa akin ng Maykapal at gagawin ko ang lahat para maiayon ang buhay namin ni lola. Sa mga nakaraang araw, napansin kong naging mailap sa akin si Kuya Owen. Hindi ko alam pero siguro dahil sa ginawa namin noong kaarawan ko. Hindi naman ako galit sa pinagawa niya sa akin kasi ginusto ko naman pero siguro nakokonsensya siya. Alam ko naman na mali ang ginagawa namin ni Kuya Owen pero kapag nasa ganoong kalagayan kami ay hindi ko naiisip na isang malaking kasalanan ang ginagawa namin. "Hindi ka ba sasama sa amin?" napabalik ako sa aking katinuan nang magsalita si Anton. Katatapos lang kasi ng dalawang subject at break na. "Dito na lang kami n

