AGAD na tumayo si Light mula sa pagkakaupo niya sa labas ng apartment niya nang makitang bumukas ang pinto sa kabilang apartment. Kanina pa siya naroon sa labas at inaabangan niya ang paglabas ng mag-ina niya. Alam niya kasing may pasok ang anak sa school at alam niyang ihahatid ito ni Georgette. Kaya siya naghihintay do'n dahil gusto niyang sumama sa paghatid kay Georgina. Mayamaya ay lumabas do’n ang kanyang anak. Napangiti siya nang makita ito. Pagkalabas nito ay agad itong tumingin sa dereksiyon niya at nang makita siya nito ay nakita niya ang pamimilog ng mata nito. “Tito Light!” malakas na tawag nito sa pangalan niya. Parang may mainit na humaplos sa puso niya ng banggitin nito ang pangalan niya. Pero siguro mas makakaramdam siya ng saya kung Papa Light ang itawag nito sa kanya h

