"MAMA Lourdes, Papa Lucas." Banggit ni Georgette sa pangalan ng magulang ni Light na kasunod nitong pumasok sa kusina. Akala niya sina Christian at Gwen ang nag-doorbell kanina, hindi pala. At hindi na kailangan magtanong ni Georgette kung bakit naroon ang mga ito. Mukhang ipinaalam na ng asawa ang tungkol sa kanila ni Georgina kung bakit ang mga ito naroon. "Georgette, hija." Wika naman ni Mama Lourdes. Napansin niya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito sa sandaling iyon. Kinagat naman niya ang ibabang labi para pigilan ang luha sa kanyang mga mata. Pagkatapos niyon ay naglakad siya palapit sa mga ito. "M-mama." Hindi niya maiwasan ang pagpiyok ng boses. "Hija." Hindi na napigilan ni Georgette ang mapaiyak ng yakapin siya ng Mama Lourdes niya. Gumanti siya ng yakap dito, at hindi

