HINIHINTAY ni Georgette ang pagdating nina Christian. Kausap niya ang mga ito sa cellphone kanina ng biglang sumakit ang tiyan niya. Sinabi niya ang naramdaman niyang iyon sa dalawa at sinabi ng mga ito na pupuntahan siya sa bahay para samahan na magpa-check up sa doctor. Mag-isa lang kasi siya sa bahay at umalis na si Light para magtrabaho. At habang hinihintay ni Georgette ang mga ito ay hinahaplos niya ang kanyang tiyan. "Kapit ka lang baby, ha. Magiging okay na din ang lahat. " sabi niya habang patuloy niyang hinahaplos ang tiyan. Sa totoo lang ay nakaramdam ng pag-alala si Georgette ng biglang sumakit ang tiyan. Nakatakot kasi siya na baka may mangyaring masama sa dinadala niya. At hindi niya kakayanin kapag nangyari iyon. Mayamaya ay narinig ni Georgette ang pagbusina ng kotse

