TININGNAN ni Georgette ang laman ng basket kung nailagay na ba niya lahat ng kailangan nila. Nang masiguro niyang kompleto na iyon ay binitbit na niya iyon palabas ng kusina para puntahan si Georgette at Light. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng kusina ng pumasok do'n si Light. At nang makita nito ang bitbit niya ay kinuha nito iyon mula sa kamay niya. Wala na siyang nagawa kundi hayaan itong kunin nito iyon sa kanya. "Okay na ba ang lahat?" Tanong nito mayamaya. Tumango naman siya bilang sagot. "Okay. Let's go na. Kanina pa excited umalis si Georgina," wika sa kanya ni Light. Nang tumalikod ito para maglakad palabas ng kusina ay sinundan niya ito. Nasa likod lang naman siya ni Light. Pupunta silang tatlo sa Batangas ng araw na iyon. Maaga silang nagising para magpa-prepara

