"COME in. " wika ni Light nang makarinig siya ng mahinang katok mula sa labas ng pinto ng opisina niya. Mayamaya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng opisina niya. "Good morning, Sir." Narinig niyang bati ng secretary niya sa kanya. Inalis naman ni Light ang tingin sa harap ng laptop at nag-angat ng mukha patungo sa kanyang secretary. Nang magtama ang mga mata nila ay nagsalita ito. "Sir nandito na po iyong pinapahanap niyo sa akin," imporma nito sa kanya. "Na-check ko na din po ang background niya and all in all ay okay naman po. Wala po siyang criminal record," patuloy na wika nito. "Kayo na lang po mag-desisyon kung okay po siya sa inyo," dagdag pa na wika nito. Tumango naman siya bilang sagot. "Okay. Let her in. I want to interview her first," sabi naman niya dito. Kailangan

