KANINA pa si Light sa harap ng salamin. Kanina pa din siya pabalik-balik sa closet niya para magpalit ng damit. Hindi kasi siya makapili kung ano ang susuotin sa sandaling iyon. May date kasi silang dalawa ni Georgette ngayon. Mabuti na lang at pumayag ito nang yayain niya itong lumabas. At alam naman niyang gwapo na siya pero gusto pa din niyang mas gwapo sa paningin nito. Nakangiting iiling na lang si Light, daig pa niya ang isang teenager na first time makipag-date. Muli niyang ibinalik ang tingin sa harap ng salamin. At napangiti siya nang sa wakas ay makontento siya sa ayos at sa napiling suot niya sa sandaling iyon. Nag-spray din siya ng pabango bago siya lumabas ng kwarto at sa apartment niya. Dumiretso naman siya sa kabilang apartment. Kumatok siya ng tatlong beses para i

