"SIGE na po, Mama. Sama ka na po sa amin ni Papa.” kulit na wika ni Georgina kay Georgette. Kanina pa siya nito kinukulit na sumama sa lakad nito at ng ama nito na si Light. Nagkausap na silang dalawa ni Light tungkol sa karapatan nito bilang ama ni Georgina pagkatapos niyang ipaalam kung sino talaga ito sa anak nila. Sinabi niya rito iyong mga pwede nitong gawin at hindi nito pwedeng gawin. At wala naman siyang naging problema kay Light dahil sang-ayon ito sa lahat ng sinabi niya. “Kayo na lang dalawa ng Papa mo, baby. May gagawin pa kasi si Mama, eh,” tanggi niya sa anak. Iyon na ang tamang pagkakataon para makapag-bonding ang mag-ama. Para mas makilala ng mga ito ang isa't isa. At quality time nang mag-ama iyon at ayaw naman niyang sumingit pa. “Sige na po, Mama. Sama ka na. Mas mas

