CHAPTER 26

2447 Words

Chapter 26 SPG~ NAGISING AKO na parang may humahalik sa leeg ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita si Kaede. Nakatulog pala ako kagabi sa sobrang pagod. Tumigil siya sa ginagawa niya saka siya nag-angat ng tingin sa 'kin. Ngumiti siya saka mabilis na sinakop ang labi ko ng halik. Mabagal ang ginagawa niyang paghalik sa 'kin kaya napakapit ako sa balikat niya. Tumigil lang kaming dalawa ng maubusan kami ng hangin. Dinampian niya ng halik ang labi ko saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Kaede.." tawag ko sakanya. "Hmm.." "Kailangan ko ng umuwi," saad ko. Tumingin siya sa 'kin kaya nakita ko ang mukha niya na hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Baka kahapon pa ako hinahanap ng pamilay ko, Kaede." Dagdag kong sabi. Dinampian niya ng halik ang labi ko saka siya nagsalita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD