CHAPTER 7

2021 Words
Chapter 7 NAG AAYOS ako ng sarili ko habang nakatingin sa salamin. Niyaya kasi ako ng mga ka batch ko dati sa high school na magkita-kita kami. Pumayag naman ako agad dahil day off ko rin naman, kaya ang makakasama ni Niko ay si Tasha. Bahala siya landiin ni Tasha, malandi pa naman yung babaeng yun at maharot kaya hindi na ako magtataka kung landiin niya si Niko. Hindi ako pinapansin ni Niko ng malaman niyang aalis ako. Ang gusto niya kasi ay dito lang ako sa bahay kasi day off ko naman daw kaya kailangan rest lang daw ako sa bahay. Kaya ayon, hindi ako kinakausap dahil hindi ko siya sinunod. Nang maayos ko na ang sarili ko ay agad akong naglakad papunta sa pinto saka binuksan ito. Wala naman si Niko sa apartment dahil maaga ang pasok niya kanina. Dinaanan lang niya ako kanina na parang hangin na hindi nakikita. Parang tanga, dahil lang sa lalabas ako ng bahay hindi na niya ako pinapansin. Nang makalabas ako ng apartment ay agad ako naglakad para maghanap ng jeep. Biglaan lang kasi ang pagkita-kita namin ng mga classmate ko. Mas maganda nga yun dahil natutuloy kaysa naman sa plano ng plano ang ending drawing. Nakasakay ako ng jeep at agad nag abot ng bayad. Nakatingin lang ako sa labas buong byahe. Medyo malayo pa kasi ang byahe ko, traffic din sa dinaanan namin. Huminto ang jeep at agad may sumakay na pasahero. Napatitig pa ako sa bagong sumakay na pasahero dahil naka suot ito ng hoodie jacket at naka suot pa ng sombrero. Naka suot din siya ng black mask kaya hindi kita ang mukha niya. Nag-iwas nalang ako ng tingin at agad tumingin sa labas. Masakit narin ang pwet ko sa pag upo dahil kanina pa ako naka sakay sa jeep. Hanggang sa nakarating na ako, agad akong bumaba ng jeep. Kinuha ko pa ang phone ko sa bag saka nag chat sa isa kong classmate para itanong kung nasaan sila, nag reply naman ito agad sa 'kin. Habang naglalakad ay nag re-reply ako kay Sammy. Palinga-linga ako sa paligid at hinahanap ang sinasabi niyang restaurant. Hanggang sa natanaw ko yun kaya agad akong naglakad papunta do'n. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ng may humawak sa kamay ko. Agad akong napalingon sa humawak ng kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kaninang pasahero na nakasabay ko sa jeep. Naka suot parin siya ng hoodie jacket, mask at sombrero kaya hindi kita ang mukha niya. "S-Sino ka ba? Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sakanya saka hinila ang kamay ko na hawak niya. Ngunit hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. Hindi din siya nagsalita kaya mas lalo akong kinabahan. Nanlaki ang mata ko ng hinila niya ako at naglakad sa hindi ko alam kung saan papunta. "Hoy! Bitawan mo nga ako. Pag hindi mo ko binitawan, sisigaw ako."Banta ko sakanya. Nagpupumiglas ako hanggang sa mahila niya ako sa lugar na wala masyadong tao. "Saklolo!!" Sigaw ko. Sisigaw pa sana ako ng mabilis niyang tinanggal ang suot niyang mask at agad akong hinalikan sa labi. Natulos naman ako sa kinatatayuan ko habang hindi makapaniwala na nandito siya sa harap ko. Niko! Pinutol niya ang pinagsaluhan naming halik kaya agad ko siyang tinulak. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay. Nakakaloko naman siyang tumingin sa 'kin saka hinawakan ang suot kong craptop. "Why are you wearing this? Kunti nalang makikita na pusod mo," inis niyang sabi. Agad ko namang tinanggal ang kamay niya sa suot ko saka sumagot. "Uso kaya yan, tsaka ano naman kung kita ang pusod ko, malinis naman ahh!!" Irap kong sabi. "Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko. Unti-unti nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok sa isipan ko. "Wag mong sabihing hindi ka pumasok?" Tanong ko sakanya. Hindi naman siya nagsalita saka tinanggal ang suot niyang sombrero. Ginulo pa niya ang magulo na talaga niyang buhok saka ngumiti sa 'kin. "Sama ako sa'yo," nakanguso niyang sabi. "Ano namang gagawin mo do'n? at tsaka, hindi naman kita classmate n'ong highschool kaya hindi ka kasama sa reunion," pagmamaldita kong sabi sakanya. "Eh 'di, sabihin mo asawa mo ko tapos sabihin mo gusto kung sumama dahil baka ma-miss mo ko," pilyo niyang sabi. "Ahh, basta.. hindi ka pwede do'n! Bumalik ka nalang sa mall at baka mapagalitan ka pa ng manager natin." Irap kong sabi. "Ayaw ko! Malandi yung babae na nandon, walang ginawa kundi magpakita ng cleavage." Naka simangot niyang sabi kaya natawa ako. "Ayaw mo no'n libre silip kana sa cleavage ni Tasha," pang aasar ko sakanya. Agad naman nalukot ang mukha niya saka inabot ang suot kong blouse. Hindi ako naka react sa bilis ng ginawa niya. Sinilip lang naman niya ang dibdib ko, napaka walangya talaga niya. "Bastos!" Sigaw ko sabay taklob ng dibdib ko gamit ang dalawa kong kamay. "Mas gusto ko pang makita ang dibdib mo kahit flat yan kaysa do'n sa babaeng yun," nakangisi niyang sabi. "How dare you lait-lait may boobies," inis kong sabi sakanya saka malakas na pinalo ang braso niya. "Aray!" Reklamo niya sa paghampas ko sa braso niya. "Flat naman talaga eh, hindi naman ako pwedeng mag sinungaling," seryoso niyang sabi. "Bwesit ka! lumayo ka nga sa 'kin." Sigaw ko sakanya. Tumawa naman siya saka nagsalita. "May alam akong effective na paraan para lumaki ang dibdib mo, want to try it?" Makahulugang sabi niya. Napatitig naman ako sa mukha niya at pilit na binabasa ang nasa isip niya, baka kasi pinag tri-tripan na naman ako. Tumikhim ako bago nagsalita. "Paano?" Seryoso kong tanong. Ngumiti naman siya sa 'kin at agad humakbang palapit sa 'kin. Hinila pa niya ako palapit sa katawan niya kaya napasinghap ako. Sa sobrang lapit ay naamoy ko na ang mabangong hininga niya. "Ganito lang oh," bulong niya sa teynga ko at agad na menasahe ang dalawa kong dibdib. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya. "Niko!" Daing ko. Hindi ko malaman kung ungol ba ang pagtawag ko sa pangalan niya. Pilit kung inaalis ang dalawang kamay niya na menamasahe ang dalawa kong dibdib. Napatingin pa ako sa paligid dahil baka may taong makakita samin. "Niko, tama na! Hindi ka nakakatuwa." Sigaw ko at pilit na nilalabanan ang unti unting umiinit na katawan ko. Tumigil naman siya saka seryosong nakatitig sa 'kin. "That's the secret, tawagin mo lang ako kung gusto mong palakihin yan," sabi niya sabay turo sa dibdib ko. "Hindi ako magdadalawang isip na lamasin yan." Dagdag niyang sabi. Hinampas ko na naman siya sa braso at agad tumalikod sakanya. Nagsimula na akong maglakad palayo sakanya. Narinig ko naman na tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Mabilis ang bawat hakbang ko hanggang sa makarating ako sa sinasabi ni Sammy na restaurant. Pag pasok ko palang sa loob ay nakita ko agad ang mga classmate ko. Kumaway ako sakanila kaya agad silang ngumiti sa 'kin at kinakawayan ako. "Bakit nagayon ka lang? Sabi mo nasa labas kalang ng mall." Tanong sa 'kin ni Sammy ng makalapit ako sa table nila. Umirap ako sa hangin saka umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Sammy. "May baliw na humila sa 'kin at nang hingi ng barya," pagsisinungaling ko. "Nakakatakot naman, may nanghihila na pala ngayon na baliw?" Tanong naman sa 'kin ni Sammy kaya napatango nalang ako. Nagsimula na kaming umorder ng pagkain, bali seven kaming lahat na nandito dahil ang iba naming classmate ay on the way palang daw. Hindi na namin sila hinintay dahil baka mamaya pa dumating ang mga yun. Nagkwekwentuhan lang kami at panay ang tawa namin ng maalala namin ang mga kalokohan namin n'ong high school. Napatigil kami sa pag uusap ng dumating ang ka-klase din namin na si Aljun at Reuben. Tumabi naman ng upo sa 'kin si Reuben saka kinamusta ako. Mas lalo lang yata siya gumwapo. Naalala ko dati ang daming mga babae nagkaka gusto sakanya, bukod kasi sa mayaman ang pamilya nila ay magaling din siya mag basket ball. Kaya kapag may laro sa school ay talagang puno ang gym sa daming nanonood. "Kamusta ka na, Audrey?" Tanong sa 'kin ni Reuben sabay lagay ng isang basong juice sa harap ko. "Ayos lang naman, ito humihinga parin." Sagot ko na ikinatawa niya. "Uyy, balita ko may sarili ka ng negosyo ahh," nakangiti kong sabi habang titig na titig ako sa mukha ni Reuben. Uminom muna siya ng juice bago sumagot. "Yeah, nag try lang ako hanggang sa lumago." Napabuntong hininga naman ako. "Sana all may pang puhunan," naka nguso kong sabi. "Bakit.. saan kaba ngayon?" Tanong niya sa 'kin. "Sa mall ang beauty ko, sa isang department store," sagot ko agad. Sasagot sana si Reuben ng may narinig kaming kalabog sa kabilang lamesa dahilan para mapatingin kaming lahat do'n. Unti-unting nanlaki ang mata ko ng makita ko si Niko na madilim ang mukha habang nakatingin samin ni Reuben. Agad nagsilapitan ang staff ng restaurant at agad na itinayo ang lamesang itinumba ni Niko. Napatampal nalang ako sa nuo ko sa ginawa niya. Bakitt hindi ko napansin na nasa loob siya ng restaurant. Naramdaman ko naman ang pag vibrate ng phone ko kaya agad ko yun kinuha sa bulsa ko. Binuksan ko ang phone ko saka ko binasa ang mensahe. Ginagalit mo ako, Audrey. Napa angat naman ang mukha ko dahilan para magkasalubong ang tingin namin ni Niko. Napalunok ako ng ilang beses ng mapansin ko na parang nagtitimpi siya ng galit. "Are you okay, Audz?" Pukaw sa 'kin ni Reuben sabay akbay sa balikat ko. Natataranta naman akong tinanggal ang braso niya habang naka ngiwing nakatingin kay Reuben. "Kung ayaw mong maputol ang braso mo, I suggest, wag mo na akong akbayan." Nakangiwi kong sabi. Kumunot naman ang nuo ni Reuben na parang hindi na intindihan ang sinasabi ko. Napatingin ako ulit kay Niko na mahigpit ang hawak sa phone niya. Agad ako nagtipa ng message saka sinend yun sakanya. Mas lalo lang yata siya nagalit sa text ko dahil umiigting ang panga niya habang nakatingin sa 'kin. Panay naman daldal si Reuben sa 'kin na hindi ko naman naintindihan dahil naka focus ako kay Niko. Hindi ko naman alam kung bakit siya nagagalit eh, nag uusap lang naman kami ng mga classmate ko. Para siyang tanga. Hanggang napagpasyahan na namin mag uwian ng mga classmate ko. Nauna pang lumabas ang iba kaya ang naiwan ay ako, si Sammy at si Reuben. "Hatid ko na kayo," nakangiting sabi ni Reuben samin ni Sammy. "Sige ba," excited na sagot ni Sammy na halatang may crush kay Reuben, dati pa naman siyang may gusto sa lalaki pero walang nakaka alam no'n kundi ako lang, close kasi kami ni Sammy n'ong high school kaya sa 'kin siya ngasasabi kung may nagugustuhan siyang lalaki. "Ikaw, Audz? Hatid narin kita." Sabi ni Reuben sa 'kin. Akmang sasagot na sana ako ng may sumulpot sa likod ni Reuben. Mas matangkad pa ito kay Reuben kaya kitang kita ko ang madilim niyang mukha na akala mo ay mananakmal ng tao. "Uwi na tayo, wifey," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa 'kin. Agad naman tumingin sa 'kin si Sammy at Reuben na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Niko. Palipat lipat ang tingin nila sa aming dalawa ni Niko na parang may gustong sabihin. Inambahan ko naman ng kamao si Niko saka ngumiti kala Sammy at Reuben. "Next time niyo nalang ako ihatid, may baliw na sumundo sa 'kin eh," sabi ko sabay kamot sa likod ng ulo ko. Hindi naman kumibo ang dalawa sa sinabi ko. Lumapit sa 'kin si Sammy saka bumulong sa teynga ko. "Gaga, ang gwapo naman ng asawa mo, makalaglag panty teh," mahina niyang tili sa teynga ko. "Gaga, maluwag lang garter ng panty mo," naka simangot kong sabi sabay lapit kay Niko na seryosong nakatingin sa 'kin. Hinawakan ko agad ang braso niya at agad na hinila palabas ng restaurant. Kumaway pa ako kina Sammy at Reuben hanggang sa tuluyan na kaming naka labas ni Niko. Humanda talaga siya sa 'kin mamaya pag uwi sa bahay. Hahampasin ko talaga siya ng hanger sa kabaliwan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD