Chapter 10
NAGISING AKO dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad akong napabalikwas ng bangon at agad hinanap si Niko. Wala na kasi siya sa tabi ko ng magising ako.
Tinanggal ko ang kumot na naka patong sa katawan ko kaya nakita ko ang dugo sa bedsheet. Uminit agad ang mukha ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. Medyo masakit din ang p********e ko ngunit hindi ko na 'to ininda at agad na tumayo sa kama.
Tinapis ko ang kumot sa katawan ko bago ako lumabas ng kwarto dahil nasa labas ang banyo. Nang makalabas ako ay agad akong pumasok sa banyo para maghugas ng katawan.
Nagtagal ako sa banyo dahil ang sakit umihi. Masakit pala talaga kapag first time. Napangiwi ako habang naglalakad palabas ng banyo. Agad akong kumuha ng damit ko at isinuot 'to.
Hindi ko parin nakikita si Niko. Umupo ako sa sofa para hintayin si Niko. Ngunit, makalipas ang isang oras ay walang Niko na umuwi sa bahay.
Kahit masakit ay tumayo ako para kunin ang cellphone ko na nasa bag. Agad akong nagtipa ng message saka ko sinend yun kay Niko. Alam ko kasing walang pasok yun ngayon. Balak ko din sana na hindi pumasok dahil para akong penguin maglakad sa sobrang sakit ng p********e ko.
Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko at hinihintay ang reply ni Niko. Ngunit wala man lang reply sa text ko. Tinawagan ko nalang siya at baka hindi niya lang napansin ang text ko, ngunit nakapatay ang cellphone niya.
Nasan kaya siya?
Tumayo ako at agad tumungo sa kusina para mag timpla muna ng kape. Napagdesisyonan ko nalang na pumasok sa work, baka kasi nandoon si Niko, may 30minutes pa naman kaya makakapag ready pa ako.
Inubos ko agad ang kape at agad nagbihis. Nag lipstick narin ako para naman magka kulay ang mukha ko. Inayos ko narin ang buhok ko.
Agad akong lumabas ng apartment at hindi pinapansin ang pag kirot ng p********e ko. Naglakad ako papunta sa paradahan ng trycle at agad sumakay sa naka unang pila.
"Oh ineng, hindi kayo nagsabay ng boyfriend mo?" Tanong sa 'kin ni manong. Ngayon ko lang napansin na si manong pala yung nakakita samin ni Niko na naghahalikan sa trycle. Bigla tuloy akong nahiya.
"Ahm.. day off po niya." Sagot ko nalang kahit hindi ko din alam kung nasaan si Niko.
"Ganun ba, sumakay kasi yun sa 'kin kanina at nagpahatid sa may highway lang." Sabi ni manong kaya agad akong napalingon sa gawi niya.
"Si Niko po? Saan daw po siya pupunta?" Tanong ko kay manong.
"Hindi ko alam ineng eh. Basta binaba ko lang siya sa may highway. Tinanong ko pa nga siya kung bakit dito pa siya magpapababa eh masyadong madilim sa parteng yun." Mahabang sabi ni manong.
Naguguluhan tuloy ako kung bakit umalis si Niko. Hindi naman kasi siya nag paalam sa 'kin, o nag iwan ng note. Nakatulog kasi agad ako kagabi pagkatapos ng may mangyari samin.
Nakatulala lang ako habang iniisip si Niko. Naramdaman ko nalang na umaandar na ang sinasakyan kong trycle. Tahimik lang ako buong byahe at iniisip si Niko.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko pa namalayan na nakarating na kami sa harap ng mall kung hindi pa tinapik ni manong ang balikat ko.
Ngumiti lang ako kay manong at agad na bumaba sa trycle. Nang gigil akong naglalakad papasok ng entrance at iniisip na baka nandito na si Niko at nakikipagharutan kay Tasha. Wala naman kasi siyang ibang pupuntahan kundi bahay at dito sa mall. Lagot talaga siya sa 'kin kapag nakita ko siya na kasama si Tasha.
Pagdating ko sa tapat ng store ay agad akong pumasok at hinahanap si Niko. Ngunit sa kasamaang palad ay wala akong nakitang Niko.
"Oh, bakit para kang kakin ng tao dyan?" Tanong sa 'kin ni Tasha ng makita ako. Siya kasi ang opening ngayong araw kaya maaga siya.
"Wala ba dito si Niko?" Tanong ko sakanya.
"Bakit naman siya pupunta dito, eh.. day off niya ngayon diba?" Naka taas na kilay na sabi ni Tasha. Hindi ko nalang pinansin ang kaartehan niya at baka mabura ko pa ang kilay niya.
Agad akong tumungo sa locker namin na nasa gilid at agad inilagay ang bag ko do'n. Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bag at nag send ng message kay Niko. Yung inis ko kanina ay napalitan ng pag-aalala at baka nawalan yun ng malay. Baka kasi sinumpong yun ng sakit sa ulo. Minsan-minsan kasi ay sumasakit ang ulo niya pero agad din naman nawawala.
Ibinalik ko ang phone sa bag ko at agad inayos ang buhok ko para mag time in na. Pumwesto ako sa may pintuan para mag tawag ng customer, kahit pa wala ako sa hwesyo. Iniisip ko parin ang biglang pagkawala ni Niko.
Lumipas ang oras hanggang sa maghapon na ay wala parin akong natanggap na text mula kay Niko. Sana man lang mag message siya sa 'kin, para naman hindi ako mag-alala sakanya. Hindi na nga ako naka kain ng pananghalian dahil nawalan ako ng gana.
Dumating ang gabi at mag-isa nalang ako sa store. Nauna na kasing nag out si Tasha sa 'kin. Inayos ko muna ang benta at nag sulat sa log book bago ako lumabas ng store. Inayos ko din ang pakakalock ng pinto saka ako naglakad palabas ng mall. Kukunti narin ang mga tao na nandito dahil malapit narin mag sara ang mall.
Dali-dali akong sumakay ng trycle para makauwi agad. Nag babakasakali ako na baka umuwi na si Niko.
Nakarating ako sa harap ng apartment at agad umakyat sa hagdan. Sa sobrang pagmamadali ko ay muntik pa akong matisod, buti nalang ay nakakapit ako agad.
Pinihit ko ang siradura ng pinto ng apartment namin at napagtanto na naka lock 'to. Kinuha ko ang susi na nasa bag ko saka ko binuksan ang pintuan. Agad akong pumasok sa apartment at bumungad sa 'kin ang madilim na apartment at katahimikan. Walang Niko. Hindi parin pala siya umuuwi.
Kinapa ko ang switch ng ilaw para lumiwanag ang bahay. Pumasok ako ng tuluyan saka isinara ang pinto. Naglakad ako papunta sa mahabang sofa at pabagsak na umupo do'n. Hinilot ko ang sentido ko habang iniisip si Niko. Nag aalala na talaga ako sakanya.
Lumipas pa ang mga araw ay wala talagang Niko na nagpakita sa 'kin. Galit na galit na ako sakanya, matapos niyang makuha ang p********e ko ay basta-basta niya nalang akong tinakbuhan. Nakaka bwesit siya!
Nang gigil talaga ako sa t'wing iniisip ko ang pag-iwan sa 'kin ni Niko. Walang text, call or note man lang, bigla lang siyang nawala sa hangin.
Pumunta pa ako sa police station n'ong isang araw para sana humingi ng tulong pero hanggang ngayon ay wala parin silang binibigay sa 'kin na update.
Hanggang sa tuluyan na ngang lumipas ang mga araw, napagtanto ko na talagang iniwan ako ni Niko. Tumigil na ako sa paghahanap sa lalaking yun. Sinusumpa ko talaga siya! Napaka gago niya.
Umalis na ako sa apartment at bumalik sa dati kong tinutuluyan. Hindi ko naman kayang magbayad ng upa do'n kaya mas mabuti ng lumipat. At isa pa, ayaw kong maalala si Niko sa apartment na yun kaya kailangan ko talagang umalis.
Nilipat narin ako ng ibang branch ng manager ko pero malapit lang din naman. Bagong bukas kasi ang mall na yun kaya ako ang inassign, kasama ko do'n si Naneth.
Wala akong pasok ngayon kaya naglilinis ako sa maliit na tinutuluyan ko.
Lahat ng damit na naiwan dito ni Niko ay pinag tatapon ko. Ang iba ay pinamimigay ko para hindi ko na siya maalala.
Nagsisisi ako kung bakit ako bumigay kay Niko n'ong araw na yun. Kung alam ko lang na aalis pala siya pagkatapos niyang makuha ang puri ko ay dapat pinigilan ko ang sarili ko.
Pagod akong umupo sa sahig ng matapos akong maglinis ng bahay. Tambak din ang labahin ko kaya maglalaba pa ako. Nagpahinga muna ako saglit at kinuha ang cellphone ko para mag scroll muna sa social media.
Scroll ako ng scroll hanggang sa may dumaan sa news feed ko na isang article. Napatitig ako sa picture na nasa article at hindi makapaniwala sa nakita ko.
Si Niko! Hindi pala.. Kaede Verzabal. Naguguluhan man pero alam kung si Niko yun. Kaede Verzabal pala ang pangalan niya. Ibig sabihin lang nito ay naalala na niya ang memorya niya. Kaya ba siya umalis, kaya ba niya ako iniwan na parang walang nangyari.
Pinatay ko agad ang cellphone ko ng mabasa ko ang article na yun. Hindi ako makapaniwalang isang business man si Niko este Kaede pala. Kaya siguro niya ako iniwan, dahil naalala na niya ang buhay niya. Bakit hindi man lang siya nag paalam sa 'kin. Papayagan ko naman siyang umalis eh, hindi ko naman siya pipigilan na bumalik sa totoong buhay niya.
Mahina akong natawa ng maalala ko ang title ng article, Got engaged! nandoon din ang picture ni Niko kasama ang fiancè niya na nakayakap sakanya habang si Niko ay nakahalik sa pisngi ng babae.
Tumawa ako ng malakas na parang tanga. Kung may makakakita man
sa 'kin ay aakalain akong nababaliw. Itatawa ko nalang ang lungkot ko kaysa naman umiyak ako, wala din namang mangyayari kung iiyak ako eh.
Mas lalo akong natawa ng maramdaman kong tumulo ang luha ko. Agad kong pinahid ang luhang yun at agad na sumandal sa pader habang tumatawa parin. Ganito ang ginagawa ko kapag nalulungkot ako. Ayaw kong umiyak, ayaw kong iyakan ang mga taong walang kwenta kaya dapat tumawa lang ako hanggang sa sumakit ang panga ko sa pagtawa.