CHAPTER 23 “A-are you okay?” she asked me. Saglit akong napapikit bago napahinga nang malalim. I sighed heavily before wiping my sweat. Dahan-dahan akong tumango sa kanya at lumabas na ng cubicle. I immediately felt relieved. “Okay ka lang, Miss?” tanong niya ulit. “Oo, o-okay lang ako. Okay na ‘ko,” ani ko sa kanya. Napahawak ako sa ‘king dibdib. “Talaga? But you don’t look okay.” Napatingin ako sa babaeng tumulong sa ‘kin. She’s very tall and pretty. Isang pasada mo pa lang sa mukha niya, malalaman mo agad na may dugo siyang Chinese. She has a long black hair tied into ponytail. It suits her because it emphasizes her perfect jawline and check bone. Matangos ang kanyang ilong singkit ang mga mata. Mestisa at mayroong tamang hubog ng katawan. She looked like a model, pamilyar din siya

