CHAPTER 21 “Focus on Troy Fedallin, ‘yon ang sinabi sa ‘kin ni Director Lim,” tulalang ani ko kay Kiera habang pinaglalaruan ang couple bracelet namin na nasa palapulsohan ko. ”Sa tingin mo? Masyadong mabait si, Troy para paglaruan,” ani ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko ito sinasabi ngayon. Nang sabihin iyon ni Director Lim sa ‘kin ay may kung ano’ng labag sa loob ko. I know I shouldn’t! Hindi ko alam, nalito ako bigla sa sarili ko. “Then follow him! Iyon ang utos ng director, Sha. . . at isa pa mas mapapadali sa ‘yo ang lahat. Bakit parang bigla kang umaatras? Pinasok mo ‘yan kaya panindigan mo,” ani sa ‘kin ni Kiera. Masyado ng late at tinatamad na rin siyang umuwi kaya rito na siya matutulog sa unit ko. Medyo naawa nga ako sa kanya dahil siya ang tinawagan ko para sunduin ako

