CHAPTER 25 Saglit akong natulala sa sinabi ni Arc. Hindi ko alam pero para akong nilagyan ng yelo sa buo kong katawan kaya hindi ko magawang makakilos. Nagulat talaga ako sa sinabi niya. “A-ah, number ko?” utal kong tanong. Kumunot naman agad ang noo niya sa ‘kin. I saw frustration in his eyes. Narinig ko rin ang palihim na hagikikan nina Ezra at Nikku sa tabi. “Do I have to repeat it?” masungit niyang ani. Inilabas niya ang kanyang cellphone pagkatapos ay inabot niya ‘yon sa ‘kin. “Save your phone number,” aniya sabay iwas ng tingin sa ‘kin. “B-bakit?” tanong ko. Palagay ko ay hindi pa rin ako binabalikan ng katinuan ko. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito! Mas lalo lang kumunot ang noo niya sa sinabi ko, tila ba galit pa siya sa tanong kong Iyon. Napangiwi ako nang kurotin n

