CHAPTER 17 Alas quatro pa lang ng umaga ay gising na ‘ko para makapaghanda sa pagpasok. Inaatok pa ‘ko pero pinilit ko talaga ang sarili na bumangon para makapaghanda na sa pangalawang araw ng klase ko. This is going to be my routine now, dapat ay sanayin ko na ang sarili na gumising nang maaga. Ako na ang nag-make up ng sarili ko. Sinadya kong medyo kapalan ang kilay at paitimin ang skin tone ko. I really looked like a different person. After eating my breakfast ay bumaba na ‘ko. Si Sheryl ang driver ko, habang nagmamaneho siya ay sinasabi niya sa ‘kin ang mga additional details ng napag-meetingan namin kagabi. Marami pang sinabi sa ‘kin si Sheryl pero nahulog na ‘ko sa malalim na pag-iisip. Iniisip ko ang mga mangyayari sa araw na ‘to habang wala sa sariling pinaglalaruan ang co

