Kabanata 57

1333 Words

Isang buwan na ang nakalipas simula nang binisita nila Hariet at Austin ang puntod ng tunay na Dreanara. Naipaliwanag rin ng dalaga ang kasalukuyang set-up at rason kung bakit siya nagpapanggap bilang ito. Halatang hindi lubos sang-ayon ang binata sa pagpapanggap niya ngunit wala na lamang itong sinabi. Batid niyang sa kanilang lahat mas nasasaktan ang ina ng dalaga sa pangayayari kumpara sa sakit na nararamdaman niya. Ito ang pinaghugutan niya ng lakas ng loob na pagkatiwalaan na lamang ang plano ng ginang imbes na sumalungat. Kagaya rin ng inaasahan ay lumipad kinagabihan ang binata pabalik sa United States upang bumalik sa trabaho. Mas makabubuti ng maging busy muli siya upang magkaroon ng ibang pokus ang kanyang atensiyon, at hindi ito matuon lahat sa sakit na nararamdaman niya dahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD