Kinabig na ni Hariet ang brake at tsaka humarurot papalabas ng parking lot. Hindi naman siya gaanog binigyan ng pansin ng nagrorondang security guard na noo’y halatang inaantok na rin. Marahil ay ito ang naiwan para sa whole night shift ng pagbabantay sa establisyimento. Hindi lubos mawari ng dalaga kung bakit tila ba naninikip ang kanyang dibdib habang papalayo ng papalayo siya sa gusali ng five-star hotel na tinuluyan nila upang sana mag-honeymoon, na obviously ay hindi nila maayos na naisagawa sapagkat masiyadong maunawain ang lalaki sa kanyang hindi pa pagiging handa. May kung anong mainit na ngiti ang namumuo na lamang sa kanyang mga labi kapag naiisip ito. Ngunit hindi rin nagtagal ay awtomatikong nabura ang mga ngiting ito nang muling unugong sa kanyang isipan ang liham na

