At bakit naman magpapadala ng tao ang kanyang nanay-nanayan ng walang matinding rason? Itinaas niya ang kumot hanggang sa kanyang leeg upang takpang ang sexy na lingerie na suot niya at tsaka umupo sa kama. Nagpakunwari namang naglilinis ng gamit ang middle aged na babaeng pinadala ni Myrna, at tsaka inabot kay Hariet ang isang puting sulat mula sa kanyang amo at maingat na umalis. Hindi na nag-atubili pa ang dalagang buklatin ang liham na pinapaabot ng kanyang stepmom. At halos manlaki ang kanyang mga mata sa nabasa. “Go home right now and leave Maxen El Cuangco alone. Sneak into the basement at may itim na sasakyan na naka-park doon. Gamitin mo ito para umuwi. I will explain everything here. Be a good daughter and follow mom,” ani ng liham. Naguguluhan man ay hindi m

