39

1134 Words

Chapter Thirty-nine Hindi ko ipinaalam sa kanya iyong naiisip ko. Nahiya ako. Ngayon pareho kaming nakahiga sa kama. Hingal na hingal pagkatapos nagtalik. Kahit pa parehong pawisan ay hindi iyon alintana. "Lia, severe ba iyong panic attack mo kapag nasa harap ka ng ibang lalaki?" nakayakap ako rito habang nakaunan ang ulo sa braso nito. "Bakit mo naitanong?" "W-ala naman. Curious lang ako." "Nanginginig ako tapos kapag hindi ko makontrol ay nawawalan ng malayo o kaya nahihilo. I think hindi naman severe... I mean umiwas naman na ako sa mga lalaki. Ikaw na lang iyong nakalapit sa akin... Well, siguro kaya rin nakalapit ka sa akin ay dahil bakla ka. Dahil alam kong bakla ka ay hindi naman ako natakot sa 'yo." "Kung lalaki akong lumapit sa 'yo... papayagan mo ba o matatakot ka?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD