Chapter Thirty "How dare you?" tili ng babae. Galit namang tumayo ang asawa nito at binalak tapunan ako ng juice. Pero naiharang ni Mackenzie ang likod niya. Protektado rin nito si Avery na kahit buhat niya ay hindi nabasa ng juice. "Lia, hold her," ipinasa nito si Avery sa akin. "Waiter, pwede bang pa-assist silang dalawa. Kahit sa office muna kung pwede," magalang na ani ni Mackenzie. Agad namang pumayag ang waiter. Kahit naguluhan ako ay sumama pa rin ako. Ayaw ko namang naka-witness si Avery ng sobrang kaguluhan. "Upo ka rito, 'nak. Sisilipin ko lang si Uncle Zie," ani ko sa bata na pumayag naman. Narito na kami sa office. Binuksan ko ang pinto at sumilip. May kalayuan sa table na iniwan namin kaya hindi ko marinig. Pero kita ko naman sila. Nakita ko iyong mag-asawa na nakaluhod n

