Chapter Thirty-two "Prim?" naghihintay ako ng sagot sa kaibigan ko. Napabuntonghininga ito na para bang bigat na bigat ang dibdib nito. "Prim, tell me." "Dahil nakikita ko si Mackenzie na magiging mabuting ama kay Avery. Hindi mo ba nakikita na masaya ang bata sa kanya?" para kay Avery ang dahilan nito. "Lia, hindi man direktang sabihin ni Avery na gusto niya na may papa sa tabi niya... pero alam nating pareho na gusto talaga niya. Ilang beses na sa aking nabanggit ni Avery na gusto niya ng papa. Sa akin niya sinasabi, Lia. Hinahanap niya ang pagmamahal ng isang ama. That man..." turo nito sa kabilang bahay kung saan nakatira si Mackenzie. "Alam kong kung bibigyan n'yo ng chance ang isa't isa ay magiging buong pamilya kayo." "Prim, bakla iyon---" alam ko sa sarili kong hindi ako papatul

