Chapter Forty-two Buti na lang hindi masyadong napagtuunan ng pansin ni Avery iyong pagtawag ni Mackenzie sa kanya ng 'nak. Baka kung ako kasing isipin ng bata. Kawawa naman ito kung mag-a-assume. Masyado pa siyang bata para maguluhan. Matalino ang anak ko pero hindi pa niya mauunawaan ang mga gano'n bagay. Pagkatapos kaming kuhanan ay kinuha naman ng staff ang email address ni Mackenzie at doon daw ise-send ang mga larawan. Nang nakaalis ang staff ay lumingon si Avery. "I don't like it po," mahinang ani ni Avery. Malungkot ito na para bang ma-offend ito. "You not like what?" tanong ko sa batang kay Mackenzie lang nakatitig. "You called me 'nak," agad napatingin si Mackenzie sa akin. "A-yaw mong tawagin kitang 'nak?" malungkot na anas din ni Mackenzie na para bang gustong-gusto

